seal

seal

October 25, 2011

Isang Tula sa Bayan


Isang Tula sa Bayan
-Leoven Pintor


Sa iyong kandungan tinubuang lupa,
Pawang nalilimbag ang lalong dakila;
Narito rin naman ang masamang gawa
Na ikaaamis ng puso't gunita

Ang kamusmusan ko kung alalahanin,
Halaman at bundok, yaman at bukirin;
Na pawang naghandog ng galak sa akin,
Ay inaruga mo, bayang ginigili.

Ipinaglihim mo na ako'y bata pa,
Ang pagdaralitang iyong binabata;
Luha'y ikinubli't ng di mabalisa,
Ang inandukha mong musmos kung ligay.

Ngayong lumaki ng loobin ng langit,
Maanyong bahagya yaring pag-iisip;
Magagandang nasa'y tinipon sa dibdib,
Pagtulong sa iyo, bayang iniibig.

Ngayon na nga lamang, ngayon ko natatap
Ang pagdakusta mo't naamis na palad;
Sa kaalipinan mo'y wala nang nahabag,
Gayong kayraming pinagpalang anak!

Sa agos nang iyong dugo ipinawis,
Marami ang dukhang agad nagsikimis,
Samantalang ikaw, Bayang iniibig,
Ay hapung-hapo na't putos nang gulanit.

Santong matuwid mo ay iginagalang
Ng Diyos na lalong makapangyarihan
Na siya na dapat na magbigay-dangal,
Bagkus ay Siya pang kinukutyang tunay.

Ngunit mabuti rin at napupurihan,
Sa paghahari mo itong pamamayan,
Sapagkat nakuhang naipaaninaw,
Na dito na ang puno'y di na kailangan.

Kung pahirap lamang ang ipadadala
Ng nangagpupuno sa ami'y sukat na;
Ang hulog ng langit na bagyo't kolera,
Lindol, beriberi, madla pangbalisa.

No comments:

Post a Comment