seal

seal

December 01, 2011

SALAMAT MAAM (para sa aking guro F.J.)

Maam...Salamat sa iyong pang-unawa at ang munti kong isipan ay iyong kinahabagan.
Salamat sa pag-ibig na sa aki'y pinaramdam.
Ang aking pusong nasa bingit na ng pag-aalangan
ay pinatikim mo ng tamis ng iyong pagmamahal.

Maam...Salamat sa iyong mabubuting itinuro
at ang halaga ng aking buhay ay aking napagtanto.
Salamat sa pagkakataong ika'y aking makapiling
sa araw ng pighati at aking paninimdim.

Maam...salamat sa iyong payo
na naghatid sa akin sa landas ng paraiso.
Ang buhay kong minsan nang maalikabok na larawan,
gamit ang palad mo ay iyong nilinisan.

Maam...salamat sa mga salitang humubog sa akin
na nagbigay ng pag-asang ang katotohana'y aking tuklasin.
Hindi ko maitatatwang ako'y tao man din
na palaging mali at kadalasa'y nahuhuli sa karera ng magaling.

Maam...salamat sa pagtulong na ako'y makaahon
sa hirap at lungkot ng aking kahapon.
Sa hiwaga ng iyong itinurong IKALAWANG PAGKAKATAON,
tunay ka ngang huwarang guro sa lahat ng panahon.

Pagdating ng panahong ako'y katulad mo na
asahan mong babaunin ko ang iyong ipinamana.
Ang tulong mo na sa katauhan ko'y nagpaganda
asahan mong mamanahin naman ng iba.

Maam...salamat po minsan pa
at pagpapalain ka nawa ng POONG DAKILA
na sa ati'y lumikha...



Dakila rin AKO

Hay naku..narito na naman ang nagmamadaling panahon.Wala na halos napababayaang oras pero iba naman ang napababayaan...kung hindi pamilya eh sariling kapakanan.Basta lang makahanap ng pera kahit walang mata ay pinipilit na makakita.Kahit walang naririnig ay oo na lang sa nagtatanong.Parang walang mga hindi naiintindihan.Sino ba ang mag-aakalang maaaring mauhaw ang tigang na lupa?Sino ang magbabakasakaling tanungin ang kahapon?Sino ang magtatangkang suungin ang madilim na kweba ng nag-iisa?Sa palagay ko nga ay wala.Kahit ako marahil...tao rin ako...kadalasa'y nadarapa..natatakot...kadalasa'y nagkakamali...kadalasa'y napagkakamalang walang halaga.
At least tao pa rin ako.Hindi pa ako naiiba kay Jose Corazon de Jesus.Maaaring maging larawan o anino niya ako sa kasalukuyang panahon.Kunsabagay ay may maibubuga rin naman ako.Hindi nga lang kasintindi ng naibuga ni Dr. Jose Rizal.Pero pwede pa rin ako mapabilang sa sinasabing..."walang Pangalan ang maraming dakila"....




wala lang daw..

Ang sabi nila...talagang ganito sa mundo,kung wala kang pera eh wala kang tinig...paos ka...garalgal ang tinig...walang kalatuy-latoy. Mahirap nga naman sa mundo ang mabuhay na ang tinatapakan mong lupa ay pagmamay-ari na rin ng iba...akala ko dati malaya sa mundo.Kahit ano ay maaari kong gawin,subalit ngayong ang isipan ko'y nagkabagwis na,tila nawala na ang kalayaang hindi ko pinahalagahan noon.Sa aking minsang paglalakad ay natinik ako ng napakalalim bagaman hindi naman ako matuling maglakad.Ang oras sa aking relos ay tila umaatras dahil ang panahong aking pinakahihintay ay tila lumalayo.Ang pag-asang nagpatatag sa akin ay nawawalan na ng katingkaran.Puno na ako ngayon ng mga alikabok ng kawalang malay sa mundo.Ang gunita ko'y unti-unting nalulusaw ng karalitaan.Nabahiran na ng pag-aalangan ang puso kong dati-rati'y kumikinang na diamante ng aking buhay..
Ano na ako bukas? ano na ako sa susunod na henerasyon. Ang tanging naiaambag ko ay ang sariling paninindigan na ako ay di dapat padaig sa kasamaan at pagkahuwad ng sandaigdigan.Sino ang makaaalala ng munti kong handog sa aking sariling bayan.Hindi ko magiging katulad si Gat Jose Rizal...si Andres Bonifacio...Si Huseng Batute...Si Huseng Sisiw...si Crispin Pinagpala...si Kuntil-butil...si Ilaw-silangan....oo hindi ko sila mapapantayan....sapagkat nauna na sila.Nahuli na ako sa kanila.Mababa na ang antas ng aking kakayanan.Wala na akong maipapantay sa kanila.Pero sa kabila ng lahat ng iyan...Ako..ako...si Pluma Batikos...si Anak-pawis...si Elyas amor magsulat...si Ilaw-dagitab...Si Makario Roy Magsulat...oo...ako...akong si Marvin Ric Mendoza na nananahan sa mundong umiikot ng mabilis...na merong facebook...na merong twitter...blogger at iba pa.Ako ay isang taong kahit papano'y may nagagawa rin sa kaunlaran ng aking INANG BAYAN....

(Ito'y pawang likha ni Marvin Ric Mendoza)

November 03, 2011

ISIP-KAISIPAN

Ang Hiwaga ng Salitang Laruan
Ni Marvin Ric Mendoza

Ang laruan,bagaman isang salitang ang kahulugan ay batay lamang sa nakikita ng mga musmos,ang dalang hiwaga sa daigdig ng kaligayahan,katuwaan,at maging kalungkutan ay kakaiba.
Sa mga batang ang isipa’y sabik pa sa kahulugan ng kaligayahan,ang laruan ay tunay na simbolo ng kayamanan at pagmamahal ng magulang.
Ang mga taong halos gumagapang na sa karalitaan,sila’y itinuturing na pinaglaruan at pinagkaitan ng kapalaran.
Ang mga taong maningning na mga tala na kumikinang at iniidolo ng marami ay karaniwang pinaglalaruan ng tadhana.
Ang mga buhay na nasawi at naglaho sa karimlan ay bunga ng pag-ibig at pag-asang ginawang laruan.
Oo…ang laruan…sa lahat ng buhay ay may taglay na kahulugan.Mayaman man at mahirap ay sumasalamin sa kasaganaan ng mundo at larawan ng isang laruan na nilikha upang danasin ang ligaya,lungkot at pagdurusa.
A,ang laruan,salitang sadya ngang kayhiwaga.
(Lhok sa SBA year3 sa Kategoryang blog freestyle)



Dramang Buhay- Estudyante
ni Gabrielle Norbe

Sa pagmulat ng umaga
Ay ang pagmulat din ng kapalaran.
Sa isang taong nagmimithing maging bulaklak,
Sa isang harding napakalawak.

Lingid sa kaalaman ng iba,
Mabato din ang landas naming tatahakin.
Di lahat ng maapakan ay damuhan,
Kung hindi ay may putik ding aapakan.

Mabuti na sana kung pagsusulit lang
Ngunit andiyan pa ang lintik na babayaran.
Talagang matutuyot ang rosas sa hardin
Sa kamahalan ng tubig na ipandidilig.

Sa mga guro ko na hindi nakakaunawa,
Hindi lahat ng lupa ay mataba
Meron ding naghihikahos, Meron ding nanunuyot
Sana naman alam ninyo ang hirap na ‘yong dulot.

Sa paglubog ng araw ay aking napansin,
Dumi sa uniporme ay ‘di dulot ng putik.
Kundi ito’y dulot ng aking pawis,
At sa pagsibol ng araw, ay ang pagsibol ng panibagong drama.



Ang Himno
ng Lebak
ni Anak-pawis

“Aawitin na lang natin ang Himno ng Lebak bilang pagpaparangal kay Maam Celistina Bautista”,ang panapos na pangungusap ni Ms. Marte habang kausap ang tagapamuno ng palatuntunan na si G. Baroc.
“Tama,karangalan niya iyon pagkat siya ang lumikha ng ating pambayang awitin.”
At habang humahaba ang usapan ,nakikinig naman si Rico na ng mga panahong iyon ay nag-aayos ng mga klaskards sa kantina.Si Rico ay isang estudyante sa kolehiyo.
Si Rico ay hindi umimik sa kanyang narinig gayong may nais siyang itanong. Dala iyon marahil ng kanyang mapang-usisang isip na tinatakpan ng kanyang hiya.Pinigil niya ang kanyang sarili na magtanong. Kung sa bagay, hindi nga talaga madaling magtanong lalo na kung maraming bagay ang sumisibol sa iyong kaisipan ng sabay-sabay.
Tinapos niya ang kanyang gawain ng hindi niya namalayan. Agad siyang nagpaalam sa kanyang guro.Nang makalabas na sa kantina,ang isip niya ay may nais ulit-uliting itanong.Sinusuyod niya ng tingin ang kanyang mga hakbang.Isa,dalawa,tatlo hanggang isandaan at siya’y nakarating sa kanilang munting tahanan.Umupo siya sa isang kalawanging silyang bakal banda sa may bintana kung saan niya natatanaw ang mga taong pahayo’t parito,mga sasakyan,gayundin ang mga ibon sa himpapawid,ang alapaap,ang bughaw na langit at natatanaw niya rin ang kaytaas na bundok at kayrikit na bukid.At bahagyang nag-iba ang kanyang paningin sa mga bagay na unti-unting napapalitan ng anyo.
“Kailangan ninyong imemorize ang ating pambayang awitin”,ani Maam Fullo, ang kanilang guro sa Filipino sa Ikaanim na baiting.
“Alam po naming iyan Maam.Bakit po,lalabas ba ‘yan sa exam?,ang tanong ng isang mag-aaral.
“Maaari,subalit hindi dahil doon kundi dahil nais kong awitin niyo ito sa pagdiriwang ng foundation day ng ating bayan.”
At dahil likas sa mga mag-aaral ang palatanong…
“Maam,inaawit natin iyan,alam natin ang bawat salita,alam natin ang tono,pero marahil ikaw alam niyo po kung sino ang nagcompose pero kami,hindi”,ang tanong ng pinakamatalino sa klase.
“Ah ganoon ba.Tanungin ninyo si Rico at tinitiyak kong alam niya iyon.”
Nang magkagayon, tiningnan ng guro si Rico ngunit wala siyang kibo.Nakakunot ang kanyang noo at wari’y nagtataka sa sinabi ng guro na alam niya gayong hindi naman sa totoo.Ang pugad ng kanyang gunita’y walang laman,walang lamang kaalaman tungkol sa bagay na isinasangguni ng kanyang mga kaklase.Ang tanging laman niyon ay isang katanungan.At dahil nais niyang malaman ang kasagutan,naglakas-loob siyang nagtanong. “Sino po pala Maam?”
“Naku hindi niyo ba alam na tatlo ang may malaking bahagi sa pagkabuo ng awit na Mabuhay Ka,Lebak?Ang isa ay si Gng. Celistina Bautista.Siya ay isang napakahusay na guro lalong-lalo na sa larangan ng Musika.Una niyang binuo ang awit sa Wikang Ingles subalit nangailangan iyon ng pagsasalin.Isinalin niya ang sarili niyang lyrics sa Wikang Filipino.Nang mga panahong iyon ay kaibigan niya at kapwa kaguro si Bb. Adelaida Mendoza,isang napakahusay na guro sa larangan ng Ingles at Filipino.Nagpatulong siyang isalin ang liriko.”
“Ang ibig niyo pong sabihin,isinalin iyon ni Bb. Mendoza?”
“Oo,isinalin ni Bb. Mendoza sa Wikang Filipino ang awit.Iyon na ang ating kinakanta ngayon.Pero sa kabuuan,nagtulungan din naman sila sa pagsalin niyon.”
“Sino pa po pala ang isa?Di ba tatlo po sila?”
“Nang mabuo na ang liriko,nilapatan din mismo ni Gng. Bautista ng tunog pero upang mas maging maganda ay nagpatulong naman siya kay Gng. Pacencia Cabagay,isa ring mahusay na guro sa Musika.”……….
Pagkatapos niyon ay napukaw muli ang isipan ni Rico at mula sa pagkakasandal sa bintana, siya ay umalis. Kaydami pa ring mga sasakyan . At maya-maya pa ay nagsisikip na ang daan pagka’t palabas na ang mga estudyante sa paaralan,paaralang kanya ding tinutuluyan bilang pangalawang tahanan.
Ika-12 na ng tanghali.Nagugutom na siya. Aalis na siya sa pagkakaupo kasabay ng paglisan ng malaking katanungan sa kanyang isipan. Ang buhay nga ng tao ay puno ng talinghaga. Kaydaming mga taong nagpaningning ng isang bagay ng hindi nalalaman. Kaydaming mga nagbahagi ng alaala sa bayan na hindi nakilala. Ang kadakilaan ay natatamo lamang ng mga nauna,hindi ng pumangalawa o pumangatlo.
Dakila Siyang unang nakarating sa buwan at hindi ang ikalawang nakarating ni ang gumawa ng paraan upang siya’y makarating.Dakila siyang nagsimula ng gawain at hindi ang tumulong sa kanya ni ang tumapos ng gawain. Kumbaga pa sa gusali,dakila ang kisame,kwarto,makintab na hagdan,nakatiles na pundasyon,nakapintang dingding at hindi ang lupang pinagtirikan ng gusali. Dakila siyang inhenyero na nagdisenyo ng gusali at hindi ang alwaging namuhunan ng pawis upang ito’y maitayo.
Ang lahat ng ito’y pawang katotohanan sa ating buhay na hindi natin maitatatwang nangyayari kahit sa simpleng mga tao.
Sana nama’y mabigyan ng karangalan ang mga naging bahagi ng bagay na pinakikinabangan ng kasalukuyan.
Marahang humakbang si Rico at nagliwanag na ang kanyang kaisipan kasabay ng paglutang ng napakagandang ngiti sa kanyang mga labi….



Isang Milyang Pangarap
ni Marvin Ric Mendoza

Nag-ugat at sumibol dito sa aking isip
ang isang kumikinang na ginintuang panaginip
bagaman ang aking mga mata'y hindi naman nakapikit
kung kaya aking natatanaw ang kaylawak na langit.
At naroon sa itaas ang bituing maririkit
na parang pangarap at gunitang hindi mawawaglit.
Ang puso ko'y tumimo't ang bibig ko'y may naisambit,
"Ang ngayon nga ay mawawala at bukas ang papalit."

Gusto ko ngang makapagpatayo ng sariling bahay.
Nais kong makaahon sa napakahirap kong buhay.
Sana'y sa halip na bato'y ginto ang aking mahukay
at sana ri'y aking maani ang bunga ng tagumpay
upang kung saka-sakali mang ako ay mamamatay,
ang lahat ng aking pinangarap ay akin nang taglay.
Ang aking mga pangarap ay maari kong mahintay
ngunit makakamit din lang sa galaw ng aking kamay.

Kasaganaan,tagumpay at yama'y aking ambisyon,
maging tagapagtanggol at huwaran ng ating nasyon.
Ang lahat ng pangarap ko'y saan kaya paroroon
kung wala akong tagagabay at walang Panginoon.
Sa buhay ng aking kapwa'y buhay ko ang itutugon.
Mula sa pagkakadapa,ang bayan ko ay babangon
upang sa isang milyang pangarap naman ay lilingon
at upang ang sarili,huwag mabaon sa kahapon.

Sa paggising ni araw sa luklukan ng Silangan
ay simula rin ng paglalakbay na walang pagtahan
at tulad din ng aking pangarap na walang hangganan,
ang matatag na puso ay higit ko pang kailangan:
ngunit ang sarili'y kailangan ding pakaingatan
nang ang paghihirap at pagsisikap ay 'di masayang
upang kung si araw ma'y makarating na sa Kanluran,
tayo'y nakarating na rin sa ating patutunguhan....



Ang Tinig ng Laruan
ni Marvin Ric Mendoza


Bagay na hawak-hawak pa ni Nene kahapon,
anak-anakan daw niyang laging kalong-kalong.
Sa kanyang pagtulog,sa tabi niya’y naroon,
Pagsapit ng umaga’y hahanapin pagbangon.



Sa hapag-kainan mangyari’y sinusubuan,
sa pagligo ay sabay ding pinaliliguan,
pagkatapos nito’y una pang bibihisan
at saka muling pupunta sa pook-libangan.



Ang bagay na ito ay ang mumunting laruan
na sa pagkabata ay lubhang kinagiliwan,
ngunit sa paglaki ay dagling kinalimutan
na parang ang halaga ay pangkahapon lang.



Masdan mo ang laruan sa sulok ng tahanan
na kahapon ay ngumingiti at parang may buhay.
Siya’y lumuluha,tumatangis,namamanglaw.
Sa yakap ng kaibigan,siya’y nauuhaw.



Iba na’t di na hilig ni Nene ang laruan,
Pera na kasi ang higit niyang kailangan.
“Kung araw at gabi ako ay maglalaro lang,
bukas ng umaga’y kakalam ang aking tiyan”



“Kahit ilang oras lang na tayo’y maglalaro,
wala na rin kasi sa aki’y nagpapaligo.
Dati,sa akin, yakap mo ang sumusuyo
ngunit ngayo’y alikabok sa’ki’y dumarapo.



Kapag ang laruan ay makapagsasalita,
Ang sasabihin n’ya ay “maglaro tayo bata”.
Kapag ang laruan ay maaaring lumuha,
sa kaydaming buhay,kalungkutan ang babaha.



“Dati ay may ningning pa ang aking mga mata.
Ang aking mga pisngi’y lubhang napakaganda.
Sa silong ng langit tayo ay laging masaya
bagaman ang lahat niyon ay hiram lang pala.



Kaligayahan mong ituring na ako’y sa’yo
at ligaya ko rin naming ako’y iyong-iyo.
Dati’y kaydaming batang sa’yo’y naninibugho
dahil sa iyong laruan,laruan mong si ako.



Ngayong ika’y malaki na’t hilig mo’y iba na,
‘wag mo akong pabayaang laging mag-isa.
Hiling ko,kung ang silbi ko sa iyo’y tapos na,
sa munting bata naman, ako ay ipamana….”
(ang tulang ito ay lahok sa SARANGGOLA BLOG AWARDS YEAR 3)

October 31, 2011

ANNOUNCEMENT!!!

1. paki-comment na lang po kung may mga grammatical errors sa mga post...
2. hindi ko pa po nabasa iyong mga post. paki-report nlang or paki-comment kung inappropriate ang content.
3. may mga post akong tatanggalin at the end of the month (esp. sa Agnes-Fil-Proj) kasi may mga parts sa plagiarized at hindi maintindihan.
4. kung ang natanggal na post ay sa iyo, I would be pleased to re-post it if you would edit or correct it.

A Morning Insight

A Morning Insight
--Arsean Kerk Lopez--

As the radiance of the shimmering light, brings warmth upon my chilly bones,
And as I felt the essence of the morning, I heard the cold breeze’s sweet moans.
I slowly opened my eyes, and an evocative moment stumbled upon my sight,
It was the vivacity of the crack of dawn. A moment of great height. . .

As I sat beside the window, I perceived the singing of the birds,
A sweet, sweet melody that cannot be described by just mere words;
Then I noticed the mist, the dew that hangs upon the tips of the leaves;
In their surfaces were the colors of the rainbow, and with that, beauty it gives. . .

As I gazed beyond the window, I saw Mother Nature flourishing.
The prosperous flora it created and the flowers continually blooming;
The bees that surround it, and the butterflies fluttering above them,
They’re certainly much more valuable, than any luxurious and classy gem. . .

And as I stare upon how the sun would rise up against the mountains,
I heed the rooster shouting, while flapping its wings above the fountain.
And as the skies gradually turning blue, from the red and orange before,
It gives me hope, light, courage and the opportunity to do more. . .

And then I noticed that all these things point out of how beautiful life can be,
Of how it can be so perfectly magnificent in whatever way we may see,
‘Cause life isn’t just about existing, it’s also about living
In harmony with earth through divine relation, and as one, breathing and believing. . .

To experience this gift of ‘LIFE’ everyday, it’s just so overwhelming,
Though were mere imperfect humans, God still took time to mold us into beings.
To think, to love, and to have free will in our day to day endeavors,
Indeed, we are lucky that God loves us with all His heart, and to us favors. . .

Then all of a sudden, a dove interfered my journeying train of thought;
As it hovered around my room and rest upon the bible, of which I brought;
It stared at me, and I stared at it, and I felt somehow we’re really connected,
But it then flapped its wings, and flew away, and I watched closely as it went astray. . .

Afterwards, I stood up and sat on the window pane with such artful,
As I gazed on the scenarios that make life so heavenly wonderful,
I can’t help it, but to smile, ‘cause I’m in such a good mood,
For “God saw all that He made and said, "It was very good." (Genesis 1:11). . .

BANGSAMORO

BANGSAMORO
- Datu Mocthar Matabalao

Bangsamoro abaninindig kanu ingid nila
So niyawa no lugo
Mamagayun
A magisa-isa
Apas tanu kanu kandaludaya
Palaw ataw didsan pawas kadatalan
So kandaludaya ataw pakuburan...

Bangsamoro gedam imaman kanu
Kaitindig so agama Islam
So mga taw a bamlaling sa likitanu a limalapu..
Wagib saguna na imbunua tanu...2x

O! Nasaan Ka?

O! NASAAN KA ?
-Nojadia Pakan

Nasaan ka?
Nasaan ka at agad naglaho ang iyong paggiliw?
Diba't sumpa mo'y mamahalin ako?
Ang sabi mo pa'y magpahanggang libing
Subalit nasaan ang iyong pagtingin?

Nasaan ka?
Nasaan ka at natiis mong ako'y mangulila?
At hanap-hanapin ka sa mga ala-ala?
Nasaan ang sinabi mong ako'y iyong ligaya?
Ngayong nalulungkot ay hindi ka man lang makita.

Nasaan ka,ako'y tandaan
Kung ako man ang minamahal na tunay
Mga sumpa't lambing na ipinaramdam mong buo sa akin
Ang lahat sa buhay ko ay hindi maglalaho
Magsisilbing bakas ng nagdaang taong pagsuyo.

Tandaan mo! Tandaan mo!
Ang lahat sa buhay ko ay hindi maglalaho't
Magsisilbing lakas ng nagdaang taong pagsuyo
Nasaan ka?
O! nasaan ka?

Pag-asa ng Lebak

†Pag asa ng LEBAK†
- Tyrone Garcia

ito ay para sa mga taga LEBAKEÑO
sa lahat ng nawalan ng pag-asa
sa lahat ng aming nakasama
sa lahat ng hirap at pagdurusa

naaalala nyo pa ba
binigyan namin kayo ng ligaya
ilang taon na rin ang lumipas
mga kulay ng mundo ay kumupas

marami na rin ang mga pagbabago
di maiiwasan pagkat tayo ay tao lamang
mapapatawad mo ba cla?
kung hindi nila sinunod ang gusto mo

ito ay para sa BAYAN NG LEBAK
sa lahat ng binaon ng sistema
sa lahat ng aming nakabarkada
huwag mong hayaang ganito

ang ating bayan
mag tulungan at iahon sa hirap
ang ating bayan at
bigyan ang sarili ng respeto

Pag-ibig

PAG-IBIG
-Giann May Centina

Ako'y tulala sa aking kwarto
iniisip ang pagkawala mo..
lahat ay nagawa ko.
bumalik ka lang, mahal ko..

Mga pangakong magpakailanpaman..
tayo'y magkasama, umaraw man o umulan..
Ngunit biglang naglaho
nang siya'y dumating sa buhay mo..

Naisip mong mas mahal mo siya
Kaya ako'y ipinagpalit sa kaniya..
labis ang pagtulo ng aaking luha..
pagkat minamahal kita..

Iniwan mo man ako'y
alaala mo ay nasa piling ko..
Mahal kitang tunay..
Sana'y madama mo ito..

Miss Ko na Ang Dating Tayo

MISS KO NA ANG DATING TAYO!
- Al-Ghamdie Uday

msarap pag my taong anjan umaalala at ngmmahal syo...
msarap rin naman kung my inaalala, iniingatan at minmhal mo...
pero kung dlawa cla...
cno ppliin mo???
ang mahal mo o ang taong ngmmhal syo???

kahit gaano ko kalakas isigaw sa
buong mundo kung gaano pa rin kita kamahal,
hindi mo ito maririnig dahil iba na mundo mo

Ano ba 'to? ikaw na naman iniisip ko. Kaya ang hirap makatulog sa gabi eh, di kita makalimutan. Pero nakatulog din ako, alam mo kung paano? Sinabi ko sa sarili ko "Tanga, may mahal na yon...tulog ka na."

Ang mas masakit pa doon..
Kahit ayaw nang maramdaman ng pagkatao natin ang sakit ayun pa din siya.
kahit naghihingalo na tumitibok pa rin... sa maling tao pa...

marami akong di maintindihan..
bk8 mo ko cnaktan??
kung gano kita kamahal
ganun mo din ako cnaktan..
bak8 ganun?? mahal ba kita dahil
ganyan ka o ganyan ka
dahil alam mong mahal kita???

Ipinagpalit ko lahat para sayo,
iniwan ko siya, dahil lang sayo…
kse mahal kta.. Pero iniwan mo din ako…
ngayon, alam mo ba kung sino kasama't kadamay ko?
… siya, na iniwan ko, dahil lang sayo

KaPaG nAbAsAg aNg pUsO....
HInDi MAlAkAs GaYa nG iSaNg PAsAboG.....
pWeDeNg kAsiNG HiNa Ng nAlAglAg nA DaHon..
Na aNg MaSaKiT....
IkAw lAnG AnG NaKakAriNiG...
Minsan, hirap din pala
magpahalaga sa isang tao..
yun tipong lagi ka andyan para sa kanya,
kasama sa gitna ng gyera,
karamay sa problema..
Tapos 1 araw, magigising ka na lang…
iniwan ka rin pala!!!

Bayan ng Lebak

Bayan ng Lebak
- Virgo Henry

Isang bayan hindi umuunlad yan ating lebak
Kaya puro pagsubok at pasakit ang ating dinaranas
puno ng kurakot,pagnanakaw at panloloko
Matututo lang ba tayo kapag wala nang inaani't sinosungkit

Ngunit hindi naman puro panlalait ang aking nasa isipan
Mga magagandang kultura't gawi ang ating pinanghahawakan
Matulungin,maawain at magalang yan ang dapat na tularan;
Magigiting at dakilang mga tao ng ating bayan "Lebak".

Kailan kaya mapupukaw ang ating mga puso't isipan
Upang mabatid lang ang puot ng kababayang nahihirapan.
Mas maganda siguro kung ating matatamasa ang inaasam na buhay
hindi kahirapan

Ako'y isang hamak na estudyante,na puno ng hirap at lungkot
May hawak na kwaderno upang aking mai-salita
Ang nasaking isipan,ito'y pinaghirapan upang iboses ang hirap
na dinaranas dulo't ng kahirapan at kurapsyon.

Ikaw

IKAW
-Raymart Calunod

ikaw ang bulaklak sa loob ng hardin
ang aking kalaro'y ang mabining hangin
sa hampas ng ulan,hindi bibitiw
ako'y maliligong may tuwa at aliw.

ikaw ang larawan na aking ipinintang
si Mona Lisa sa buhanging pampang
misteryosong ngiti na biyayang langit
di ko maisabi ako ba'y naakit?

ikaw ang Maria Clara sa aking paningin
ako nama'y si Ibarra na iyong iibigin
sa sandaling ika'y nag-iisa't bigo
yakap mo ang tanglaw,ang hilom ko'y puso.

ikaw ang bituin sa aking mga langit
ang iyong mga sinag ay tunay na malapit
na kahit madilim ang mundong ginagalawan
ay hindi matatakot,liwanag ay pagmamasdan.

maging sa fairytale,ikaw ang prinsesa
ako nama'y prinsipe ng kahariang Albanya
pilit pinagtagpo ng malarong tadhana
ang simbolong pag-ibig ng makatang binata.

makatang binata na siyang umiibig
sa isang dalagang panaginip lamang
sana'y maging totoo ang iyong hinaing
sagutin mo ng oo tunay na ikaw...

YA ALLAH YA ALLAH Lepas kami ko kasiksan...
So katindeg ko sambayang na suguan nin kadenan..
pamikiren no madakel na aden pan so gay amauli.
na malugi pan sa makuntong na muli sa muli agay.
duan duan tano den o di masutti si badan ko ingalan
KADENAN YA ALLAH YA ALLAH...

SA BAYAN NG LEBAK.........
na aking sinilangan...
buhay ko'y may kaligayahan.....
sa piling ng aking minamahal.....

-Cindy Crisel Mae Dionio

Take it Slow

Take it slow
-Justin Torrena

Being able to wait
Is a sign of true love and patience

Anyone can say
He or she loves you,but not everyone can wait for you

Just like I said
Im just a simple guy and im not expecting that you like me to

Just expressing my feeling
That I like you and I can wait for you

AKO AY MAY ULO (T'DURAY VERSION)


AKO AY MAY ULO (T'DURAY VERSION)

Wen ulo ko wenkulutuwen
wen kulutuwen

Wen ulo ko wenkulutuwen
salamat o namula

Wen waya ko wenkulutuwen
wen kulutuwen

Wen waya ko wenkulutuwen
salamat o namula

Wen tuod ko wenkulutuwen
wen kulutuwen

Wen tuod ko wenkulutuwen
salamat o namula

Wen kon sikey wenkulutuwen
wen kulutuwen

wen kon sikey wen kulutuwen
salamt o namula

Lebak! Aking Bayan...

Lebak! Aking Bayan...
-Jayson Ladio

Ang ganda ng lebak ay tunay na yaman
Bahagi na ito ng aking kabataan
Ito ang pundasyon nang ating kinabukasan
kayat mahalin ito at ating ingatan

Ang hanging sariwa sa bayang ito
Libre lang langhapin,hindi nakakasawa
Ang mga huni ng ibon
ay tila awit at tula

mga mamamayan sa bayang ito
Ingatan at alagaan ang mga yaman dito
Dahil kapag itoy mapababayaan
Tayo rin ang mawawalan.

Kalinangan... Pagyamanin

KALINANGAN......PAGYAMANIN
- Marlou Jayde Porras

Perlas ng silangan
LEBAK ang pangalan
May wikang pambansa
may sariling kalinangan

Minanang t radisyon
at mga kaugalian
Tatak lebaqueno
Kultura ng bayan

Ating itong pagyamanin
pahalagahan,paunlarin
pagkat lebaqueno ka
saanman makarating
PROUD TO BE A LEBAKENIO
- Jose Marie Gomez

AKO'Y ISINILANG SA LEBAK
NA MAY PURONG DUGONG LEBAK
MGA ATLETANG SUMASABAK
SA LABAS MINSA'Y SUMISIKAT
GANYAN ANG TAGA LEBAK

MGA TUBIG NA SAGANA SA NATURAL
MGA PAGKAING PINUNO NG NATURAL
SA LEBAK LANG UMIIRAL

SANA SA DARATING NA MGA SUSUNOD NA
MGA HENERASYON
WAG SANANG MASIRA ANG KAGANDAHAN
NITONG BAYANG PINAGPALA

ISA LANG ANG AMING MASASABI
LEBAK AY PUNO NG SUERTE
PAG DATING SA SARILI NITONG
MGA PAG-AARI

Biyaya

BIYAYA
- Kyle Marquez

Sabi nila kung no raw ang alam mo
biyaya ng maykapal sayo.
kung paano mo nilinang ang biyayang ito
sa ating panginoon ito ang regalo mo.

may dalawang landas tayong mamamayan.
nasa iyo ang pagpili ng tatahaking daan.
kaya nga ngawa ng mga dakilang nilalang.
ating pag-aralan, suriin at tularan.

angking buhau nila may mapupulot na aral.
magsisilbing huwaran sa landas ng kabutihan.
sa yunit na ito aying matutunghayan
balik-sulyapsa buhay nila pamana sa kabataan.

Lebakenyo

Lebakenyo
ni:Leslie Amor Henobla

REF.
Tara na biyahe tayo
Kasama ang pamilya
Barkada at buong grupo
Pati na si lola't lolo.

Halina biyahi tayo
nang ating makita
Ang ganda ng ating bayan
ang galing ng lebakenyo.

I
Mula Villamonte,Basak
New Calinog at Keytodac
Salangsang,Bululawan
Christianuevo at Capilan
II
Ang tatlong Poblacion
Barurao uno at dos
Tibpuan, Kinudalan
tayong magkaisa.
III
Poloy poloy,Nuling
Datu Guiabar,Purikay
Pansud at Pasandalan
Ragandang at Salaman
IV
Taguisa,Bolebak
Tran,Datu Karon
lahat ng barangay
tayo na't magkaisa.
(repeat ref.)

Life

Life
-Jose Marie Gomez

Life is like a stone
it is firm at a glance
but they don't know
that is has also weaknesses

life is like a stone
it may break at once
when it is neglected
in an isolated place
which is seems no value at all

life is like a stone
when somebody touched it
to devastate it's worth
nobody could bring it
back into it's original quality

before we would break forever
let ourselves to
find our worths why we live
in this world of pure imaginative...

A True Man

A TRUE MAN
- crisna jean tandoy

A desiring man never gets tired
of offering his appreciation
to his own pains.

An aspiring man never
gets tired of achieving his
dreams to his own vision.

A surrender-seeker never gets
tired of offering his acceptance
to his lords divine.

The leader's supreme never gets
tired of offering his gratitude
to his infinite compassion.

October 26, 2011

LEBAK: Mayaman Ka!


LEBAK: Mayaman ka!!
-Ramon Angelo Vegas

Lebak.. bayan ng masagnang pamayanan
may karagatan.. may sakahan..
meron ding malalawak na kabukiran..

Sagana sa ani ang ating mga kababayan..
Mga talento at kakayahan
ay hindi mapapantayan..

Mahal ko ang bayan ko..
Lupang sinilangan ko..
Lebak.. ang pangalan nito..

Magiundanaon Songs

-Kenneth Nur Matabalao

OH PAPANOK ---(MAGUINDANAON SONG)

Oh papanok ako bo
Na munot ako sa samb'l
Endo ko kangganatan
Su kalido nu ginawa

Malido su p'ngganat
Na labi su p'ngganatan
Ka makalipos sa tuka
Madala su tad'm men

______________________

BEMBE KO

bembe ko, bembe ko
Tawag ka si Bembe ko
Endo k'n ka tawag'n
Pakaladin sa luya

Endo k'n ka kaladin
Ipain'm sa magingay
Endo k'n ka painim
Endo magan m'bata

Bembe ko, Bembe ko

NASAAN Ka na Ba?


NASAN ka na ba?
-Charmlou Ogatis

Nasaan kana ba
oh bayang nagdurusa
Akoy hirap na
Sa aking nadarama

Ilang pagsubok na ang dumating sa aking buhay
Ilang bagyo na rin ang dumaan
Ngunit wala ka
Nasaan kana nga ba?

Ang tanong ko sa akng sarili
Saan ako nagkamali
Kung bakit akoy iyong nilisan
nasaan kana nga ba?

Lihim na Pag-ibig


Lihim na Pag-Ibig
-jonilyn fe managad

palagi kang nasa isip ko
ikaw at ikaw lang ang sinasabi ko
pati pagkain ko mukha mu laman nito
ano bang nangyari saken ?
at nahulog ako sa bitag mo.
ano bang meron ka?
at napa luha mo ako ng bigla.
pero sa isang ngiti mong pasulyap sa akin
at mga tingin na iniisip kong sa akin
napapawi ang sakit ng pusong umaasa
kapag kasama kita
sabawat araw na dumadaan
alam kong makaka move-on ako't
ilalagay sa isip ko,
kaibigan lang kita at yan ang totoo..

Lebak


''LEBAK''
-Jicky Vegas

Hali na kabataan h'wag matakot dumalo,
ipagdiwang ang buhay ng bawat lebakeno,
buhay na mapayapa at buhay na umuunlad,
sagisag ng pagbabago tungo sa bagong kinabukasan.
buhay na may siguridad at pagbabago.

hali na't langhapin ang hanging kay lamig
at sama-samang gumawa para sa lahat
lebakenong matulungin ay may kinabukasan .
may pusong mapitagan at may mainam na mithiin,
sa kapwa,sa bayan at sA DIYOS.....
MABUHAY ANG MGA LEBAKENYO!!!!!!

Ang Alamat ng Pansud

Ang Alamat ng Pansud
-fella mae martinez

sa bayan ng lebak may isang lugar noon sa gilid ng bukid na mayroong "tuburan" sa isang sulok ng bundok.Dito naliligo ang mga baboy ramo noon sa "tubura'ng"ito.MAy isang tao na tinawag niyang PANSOT ang lugar na ito, dahil noong sila'y nag-iinuman ang kanilang pu;lutan ay PAN na tinapay.At ang salitang sot naman ay kinuha niya sa "tuburan" na kung saan don naliligo ang baboy ramo dahil doon umiihi ang baboy.Sa tagal ng panahon ,pinalitan nila ang salitang PANSOT na PANSUD at hanggang ngayon ang tawag sa lugar na ito ay PANSUD.

SINO ANG MARUNONG, ANG BALIW?


SINO ANG MARUNONG, ANG BALIW?
-Vincent Paul Macabenta

SINO BA ANG MARUNONG ?
KUNG SA LARANGAN NG SAYAWAN
AY MAS MAKAPAL ANG MUKHA NG BALIW
SINO BA ANG MARUNONG?
KUNG SA TALENTO
AY NASA KANILANG DUGO ANG ITINATAGO
SINO BA ANG MARUNONG?
KUNG SA PASIGAWAN
AY MAS MAY LAKAS ANG BALIW
SINO BA ANG MARUNONG?
ANG BALIW?

Taglay ng Lebak


TAGLAY NG LEBAK
-Rose Ann Rizallosa

Sa inyo iaalay
Bayan ng Lebak ay tunay
Sa mais,sa kopra,maging sa palay
lahat dito'y nabubuhay

MAlawak na bukirin
saganang pananim
malawak na niyogan
saganang palayan

tubig sa karagatan
ay mula sa ilog Tran
isda dito'y masasarap
mga tilapia at sapsap

sa taglay nitong likas-yaman
tao'y dumarami upang ito'y tingnan
Nagpapasalamat sa Inang Kalikasan
dahil sa bigay niyang kabutihan

Sa mapayapang bayan
ito'y di makakalimutan
sa taglay na kabutihan
ng mga mamamayan .. . .

Ikaw Lang

IKAW LANG
-Mitzilynn Joy Manipol

kahit malayo sa piling mo
asahan mong maging tapat sayo
sa mga araw at gabing nangungulila sayo
ikaw parin ang nasa puso ko

nananabik sa mga yakap mo
nangangarap na makasama ko
sa mga sandaling ikaw ay nasa malayo
ikaw ang tanging nasa isip ko

ikaw, mahal. .ang tinitibok nito
ako'y mananatiling iyong-iyo
sabay tayo kahit sa kabilang mundo
ikaw lamang mahal ko.

A Love Not Mine

A LOVE NOT MINE
_OLIVO♥(ebrahim)

I sat under the tree on one fine day,
Upset 'coz of loneliness and dismay,
Remembering the past that broke my heart
Thinking of the time that we broke apart,

I was surprised 'coz a boy held my hand,
he cared me with love so grand
We got close because his funny side,
And it was destiny which made us blind.

But suddenly, he just faded away,
Gone from my side which he used to stay
I long for his friendship and com pony
Which gave me life nd healed my agony

I thought we'd be together all the times
But then i was wrong, for he is not mine.

Left

LEFT
-LYNCH-:(

Like leaves falling from the trees
Dancing in the tone of the winds,
Coloring the ground with sadness
This is how it feels to be left.

As i close my eyes,
Feel the cold breeze kissing my scene
Breathe like it was last
And chilled with sadness

Tears keep on falling
I failed to stop them
Just like the stream that
Carries dead leaves downhill

I am trapped with this melancholic feeling
Engulf with wounded heart
Like flightless bird wants to fly
To move on from the place where i was LEFT!

October 25, 2011

Bayan ng Lebak

Bayan ng Lebak
-Mark Neil M. Macailing

halika't mamuhay ng payapa dito sa lebak
ikaw ay uunlad
sagana sa likas n yaman at magagandang tanawin.
sa liit ng bayang ito, sapat na para umunlad
kung maging magigng tapat  lang tayo.

pahalagahan natin ang lebak
ang siyang ating tirahan na babalikan natin
kahit anu p man ang ating maabot
sa taglay na mga katalinuhan
ang paraan para maging maunlad ang lebak.

sa panahon na nagdaan
papaunlad ng papaunlad ang bayan ng lebak.
sa ganitong kalagayan
siguro higitan pa natin ang ating pagsisikap
na hindi lang para sa sarili
kundi sa bayan ating hinahanap.

sa luntian bayan ng lebak
uunlad ito kung tayo ay sama-sama sa pagsulong
ng mabuting hangarin.
naging kilala ito sa masamang panaginip,
ito angtanging paraan para umunlad.


Mortal na Kaaway

MORTAL NA KAAWAY
-Daryl Mae Layson

sa akin ikaw ay nagpapapansin
ang lahat ng akin,gusto mo meron ka rin

ganyan na ba ang mundo ngayon ?
"copycat" na ang ginagawa ?

pati ata pangalan ko gusto mo ng gayahin
para sikat ka rin ?

hindi ko sinasabing panget ka,
ang sa akin lang maganda ako.

kung lalaban ka saken para kang bumangga sa pader
kase mga banat ko puros lines na rare

bago ka maglinandi
paayos mo muna yang pangit mong mukha
kasi ang itsura mo kasuka suka
HONESTLY ha mas masahol ka pa nga sa bulok na palaka.

Dito sa Lebak


DITO SA LEBAK

by Simon Go Fresco III

Nakatunganga,
Nakatulala,
Nangangalumata,
May tamang hinala.

Nagmumuni-muni,
Wala naman sa sarili,
Tumatawa, tumitili,
Iiyak pa nang kaunti.

Nasa sulok,
Nagmumukmok,
Baril nakasuksok,
Maya-maya’y mag-aamok.

Nasirang bait,
Pagkatao ang kapalit,
Saka pumipilipit
Alipin ng lupit.

Hindi makatulog,
Walang antok,
Pagkat lugmok
Napakarupok.

Ginawang sandata
Ang bisyo at droga,
Walang pagsala
Buhay nasira.

Kawawa…
Nagpakasira…
Hindi pinagana…
Ang puso at diwa!

Dito sa Lebak?
Lahat ay wala.
Walang bisyo,walang droga,
Walang pagsala,walang buhay na nasisira.

Alamat ng Kalamongog

Alamat ng Kalamongog
-Poebe Eleazar

Noong unang panahon,ang lugar na ito ay walang pangalan. Hanggang sa may isang matandang babae ang napadaan.Habang siya ay naglalakad,nakaramdam
siya ng pagkauhaw. Tamang-tama naman na siya'y napadaan sa isang bukal. Siya'y uminom at naibsan ang kanyang pagkauhaw. Sa kwentong ito nagmula ang pangalang
Kalamongog. Ang katawagang Kalamongog ay nagmula sa dalawang salitang lumad. Ito ay ang "kala" na ang ibig sabihin ay bukal at "mogmog" na sa kalaunan ay naging
mongog. Pinag isa ang dalawang salita at naging Kalamongog. At simula noon ang lugar na iyon ay tinawag ng Kalamongog.

Alamat ng Christianuevo

ALAMAT NG CHRISTIANUEVO
-Lede Mae Aberle

NOONG SINAUNANG PANAHON NA HINDI PA SAKLAW ANG MAKABAGONG LIPUNAN
NG BANSA AY SIAYA NG TINIRAHAN NG MGA NITIBO NA KUNG TATAWAGIN AY TEDURAY ,NA KUNG SAAN AY NAGLILIPANA ANG MGA MABABANGIS NA HAYOP NG GUBAT.ANG MGA TEDURAY AY NAGKAROON NG SARILI NILANG SISTEME SA PAMAMALAKAD NG KANILANG PINAMUMUNUANG PAMAHALAAN .ANG MGA KATUTUTBONG ITO AY MAY SARILING TRADISYON AT KATUTUTBONG PAG-UUGALI NA SIYANG BATAYAN NG KANILANG PANINIWALA.NANG ILUNSAD ANG BATAS MILITAR MALAKING PAGBABAGO NA RIN ANG NAISAGAWA UKOL SA PAGTATAG NG MAKABAGONG PAMUNUANG BARANGAY.DUMAGSA NA RIN ANG MGA KRISTIYANO UPANG DITO NA RIN MAMUHAY SA PAMAMAGITAN NG PAGSASAKAAT SILA ANG GUMAWA NG HAKBANG,KASAMA ANG MGA KATUTUBO UPANG BUMUO NG ISANG BARANGAY SA PAMAMAGITAN NG ISANG PETISYON.
HUNYO 6,1972 ANG LUGAR NA ITO AY NAGING GANAP NA BARANGAY SA BISA NG ISANG RESULUSYON NA NILAGDAAN NG DATING GOBRENABOR CARLOS COJELO AT PINANGALANAN NA BARANGAY CHRISTIANEUVO NA HANGO SA LAHI NG KRISTIYNO AT NITIBO...

Alamat ng Nuling

ALAMAT NG NULING
-Jea Jade Hierro

SA ISANG LIBLIB NA LUGAR NG LEBAK MAY ISANG LUGAR NA WALANG PANGALAN.ITO AY PINAMUMUNUAN NG ISANG NAPAKATAPANG NA SULTAN NA SI ANULING.MAGANDA ANG KANILANG PAMUMUHAY NG MGA ITO.ANG MGA NAKATIRA DITO AY TRIBO NG MGA MANOO AT TEDURAY.MARAMI NG TAON ANG NAKALIPAS AY DUMATING ANG TRIBO NG MGA ANTIQUENO NA NANGALING SA ANTIQUE.HANGGANG MARAMI NA ANG MGA TRIBONG NAGSIDATINGAN AT NAGING ISANG MAUNLAD AT MAPRODUKSYONG LUGAR.BILANG PAGKILALA SA KAUNA-UNAHANG SULTAN PINANGALANAN NILI ANG BARANGAY NA ITO NG NULING.

Lebak: Bayang Kinagisnan

Lebak: Bayang Kinagisnan
-Crizalyn Joy Caballero

Barangay Villamonte parte ng Lebak
Na kung iyong puntahan ika'y magagalak
Ito'y napakalayo na nasa dulo banda
At sa inyong paglalakbay kayo'y mapapagod ng sobra

Kahit na ika'y pagod ikaw rin ay hahanga
Maliit na barangay marami kang makikita
Tulad ng talon ng Makin na kung tawagin
Pagdating sa akibidades akaw rin ay pahahangain

Kaya't ating ipagmalaki
Bayang ating kinagisnan
Sa bayang ng lebak
Na ating pinagmulan

BAYAN NG LEBAK/ INGED DE LEBAK

BAYAN NG LEBAK/ INGED DE LEBAK
-Tonet Catubo


Bayan ng Lebak

Kami'y mga pilipino,tubo sa bayan ng lebak
Nagkaisa at nagkabuklod,diwa niya'y tinaguyod
Nais naming ipabatid kaming lahat magkakapatid
Sa bayan naming mahal himig naming iaalay

chorus:
Bisig pag-isahin sa lahat ng mithiin
Ang lakas pag-ibayuhin
Disiplina'y pairalin
Bayan ng lebak sagisag ng paging matapat

Mabuhay
Mabuhay
Mabuhay ang bayan ng lebak

(repeat chorus)

translation tiduray:

Inged de lebak

Begeye'y de Filipino,mendakel deb lebake
Sefagayon brab sebanil,i kaane renigo
Ketaya key fegetiganen begey kluhanan setiwarey
Deb inged gey toow fu kentayan,i linggeng gey fara
saen deb beene.

chorus:
Sabaana tom ke galbek be kluhanay de ketayan
Toow tom fu febager
I adate anda kedanen
I inged geye lebak toow fu mesarigan

Menyag
Menyag
Menyag I inged geye Lebak...

(repeat chorus)

Lebak: Isang Mumunting Bayan

Lebak: Isang Mumunting Bayan
-Sheilane Macailing

Bayang Lebak ang siyang pangalan
Kung saan mga tao rito'y may kabuluhan
Pinayayaman at pinakakaingatan
Ang mga yamang kinagisnan

Dito'y makikita ang mga iba't ibang yaman
Dagat.ilog,sapa at kung anupaman
Na siyang nilikha ng Poong Maykapal
Sa mga taong may mabuting kalooban

Kapaligira'y Tuklasin

Kapaligira'y Tuklasin
-Jeannie Rose Aventura

Masdan ang kapaligiran
Tuklasin ang kagandahan
Mga anyong lupa at tubig
Pati na rin mga halaman

Mga ibon sa kalawakan
Masayang naghahabulan
At sila'y nagkukulitan
Dama nila'y kalayaan

Iba't ibang mga bulaklak
Makikita mo sa hardin
Hatid sa iyo ay galak
At busilak na damdamin

Mga isda sa karagatan
Masayang nagkukuwetuhan
Sa tubig ay naghihiyawan
Dalangi'y katahimikan

Kay rami pang tutuklasin
At dapat nating baguhin
Ating pagtuunang-pansin
Kapaligira'y mahalin.

Iingatan kita't Aalagaan

IINGATAN KITA'T AALAGAAN
-John Rommel Camilo

kapaligiran ay nauwi sa kawalan
kasalanan ito ng taong walang pakialam.

sana'y kami ay iyong mapatawad
sapagkat sadyang ang tao ay tamad.

ang mga basura ay itinatambak
itinatapon ng walang awa.

hindi niyo ba naisip na sa ganitong dahilan
mawawasak ang daigdig na ating kinatatayuan?

KALIKASAN at KAPALIGIRAN dapat pakaingatan.
mahalin at alagaan
upang hindi tayo ay gantihan.

Pag-iibigan ng Magkaibigan

PAG-IIBIGAN ng MAGKAIBIGAN
-Keeshia Neeca Flores

hindi ko inakala
na naging tayo na nga.
ang ating pagiging magkaibigan
na nauwi sa pagmamahalan

pagmamahalang walang kataposan
oh!sinta mahal talaga kita
ikaw at ako ,tayong dalawa
sa hirap at ginhawa.

sa aking paggising
mukha mo ang nakikita
kahit ako'y gutom
makita lang kita,ako'y solve na .

kapag kasama kita
ako'y ayos na !
ang puso ko ay lumulundag sa tuwa
sapagkat giliw mahal ka nga.

sana tayo na nga
mahal kita, mahal mo ako
tayong dalawa ay para sa isa't-isa
kaibigan kong minamahal ko.

Comrade

Comrade
-Shiegred Luz Pabilona


A person named Clive Staples
Once say something about friendship-
“It has no survival value; rather
It’s one of those things that give value to survival.”

Friends? Friends? Friends?
Frosts our burning temptations
Ends our lasting problems
Saves our drowning lives.

Kindness is the start of friendship
Patience and sacrifice is thing that manages it
Love is a way on how to keep it
Only time will separate it.

Fate chooses our relations
It’s us who chose our friends in nations
Even many of them came
It’ll take a lifetime to know who still the same.

When you feel numb and lost
Friends let you live once again
They say “Friends are companions
And God’s apology for relations.”

Pals smile and cry with you all the time
Gives you apple and lime
They redouble joys and cut grief in halves
And they also know how to complete our lives.

A man with no friend will quit the stage
Even though he’s a neither philosopher nor sage
Only friends know the best in you
And know how to beat you.

Sometimes, no matter how you take care of the glass
Like friendship, it’ll break when it must
Just be ready and always remember,
You’re the one who will pick up the pieces when it’s over.

A friend is like your shadow
He’s your another self that follow
He’s willing to save you even in water that’s shallow
And will act as amusement just not to get you low.

My friends love me and I love them too
And one thing I like about my friends
My explanations: they don’t want it
But it’s better than they won’t believe it. :))

Isang Kwento ng Pag-ibig

ISANG KUWENTO NG PAG-IBIG
-Moctar Al-tasser

DAHIL araw ngayon ni San Valentino, ikukuwento ko sa inyo ang kuwento ng pag-ibig nina Pepe at Fe.

Panahon ng Hapon nang magtagpo si Pepe at si Fe. Nagkakilala sila sa Mindanao, bagamat pareho silang hindi tagaroon. Si Pepe ay ipinanganak at lumaki sa Salangsang sa Sultan Kudarat.Si Fe ay tubong Pateros, na noon ay bahagi ng lalawigan ng Rizal, sa Luzon. Nagkataon lang na pareho silang inabot ng giyera sa Mindanao.

Nang magkakilala sila, si Pepe ay isang gerilya, kabilang sa USAFFE (United States Armed Forces in the Far East), samantalang si Fe ay isang guro, kabilang sa mga pinapag-aral ng Nippongo para ituro iyon sa mga batang Pilipino.

Ang ama ni Fe, si Agapito Flores, ay isang provincial auditor na kung saan-saan nadedestino. Nang sakupin ng mga Hapones ang Pilipinas, si Agapito at ang kanyang pamilya ay nasa, Taguisa,Lebak Sultan kudarat

Isang tapat na tapagpaglingkod sa serbisyo sibil si Agapito. Nagsilbi siya sa gobyerno ng Komonwelt noong panahon ng Amerikano, at ipinagpatuloy niya ang pagsisilbi sa gobyerno nang itatag ng mga puwersang Hapones ang papet na republika.

Nang itaboy ng USAFFE ang mga Hapones mula sa Keytodac, kabilang si Agapito sa mga pinaghihinalaang kolaboreytor na hinuli ng mga gerilya at dinitine sa kalapit na barangay ng Ampad Guiabar. Dinitine rin ang anak niyang si Boni, pagkat nagtrabaho ito sa post office.

Noong Enero 4, 1945, ang gurong si Fe naman ay “magalang na inimbita” ng mga gerilya na pumunta sa Talakag. Siyempre, kung may baril ang mag-iimbita, mahirap tumanggi. Sa kabutihang-palad, kilala ni Fe ang gerilyang inasayn na gumawa ng interogasyon—si Tenyente Federico Ablan, prinsipal ng isang eskuwelahan bago nagkagiyera. Dati itong detenido sa concentration camp ng mga Hapones sa Keytodac. Doon, nadadalaw siya ni Fe bilang presidente ng Children of Mary, isang grupong nagdadala ng pagkain at sigarilyo sa mga bilanggo ng digmaan.

Naalala ito ni Ablan. Napag-alaman din niya na kinausap ni Fe ang mga Hapones para iligtas sa detensiyon ang isang kasamahang titser.

Dahil dito, sa halip na ilagay sa lugar ng detensiyon ay pinatira si Fe sa isang cottage na malapit sa opisina ni Ablan. Hinayaan din si Fe na malayang gumala sa loob ng kampong gerilya.

Isang araw, isinama si Fe ng anak ng may-ari ng cottage sa sabungan. Doon siya unang nakita ni Pepe. Isa ring tenyente si Pepe, kasamahan ni Ablan sa intelligence unit.

Noong Enero 8, 1945, tumanggap si Fe ng pormal na imbitasyon sa isang party. Si Pepe ang nag-imbita. Pumunta naman si Fe. Nagulat na lamang siya nang malamang siya lang pala ang panauhin.

Pagkaraan ng ilang araw, inimbita na naman ni Pepe si Fe na sumama sa pagdalaw sa kanyang mga tauhan. Napansin ni Fe na “naglulundagan sa tuwa” ang mga sundalo nang makita nila si Pepe. Pauwi, sa mga bukirin ng Talakag, nagtapat si Pepe kay Fe at nagyayang magpakasal. Noon ay malapit nang tumuntong si Fe ng 29 anyos—matandang dalaga na sa pamantayan ng panahong iyon. Si Pepe ay nakababata nang isang taon at apat na buwan.

Pagkaraan ng dalawang araw, dalawang gerilya ang dumating para arestuhin si Fe at dalhin ito sa lugar na kinabibilangguan ng kanyang ama at kapatid. Sinabi ni Pepe na hindi nila puwedeng arestuhin si Fe dahil nakatakda na silang pakasal.

Ikinasal nga sila ng isang paring gerilya noong Pebrero 4, 1945, sa Tran. Lumipat sila sa Keytodac nang bumalik ang kasarinlan ng Pilipinas.

Pagkaraan ng eksaktong siyam na buwan, ipinanganak ako, ang panganay nina Fe Flores at Pepe Lacaba. Lima pang anak ang isinilang sa sumunod na siyam na taon.

Isang Tula sa Bayan


Isang Tula sa Bayan
-Leoven Pintor


Sa iyong kandungan tinubuang lupa,
Pawang nalilimbag ang lalong dakila;
Narito rin naman ang masamang gawa
Na ikaaamis ng puso't gunita

Ang kamusmusan ko kung alalahanin,
Halaman at bundok, yaman at bukirin;
Na pawang naghandog ng galak sa akin,
Ay inaruga mo, bayang ginigili.

Ipinaglihim mo na ako'y bata pa,
Ang pagdaralitang iyong binabata;
Luha'y ikinubli't ng di mabalisa,
Ang inandukha mong musmos kung ligay.

Ngayong lumaki ng loobin ng langit,
Maanyong bahagya yaring pag-iisip;
Magagandang nasa'y tinipon sa dibdib,
Pagtulong sa iyo, bayang iniibig.

Ngayon na nga lamang, ngayon ko natatap
Ang pagdakusta mo't naamis na palad;
Sa kaalipinan mo'y wala nang nahabag,
Gayong kayraming pinagpalang anak!

Sa agos nang iyong dugo ipinawis,
Marami ang dukhang agad nagsikimis,
Samantalang ikaw, Bayang iniibig,
Ay hapung-hapo na't putos nang gulanit.

Santong matuwid mo ay iginagalang
Ng Diyos na lalong makapangyarihan
Na siya na dapat na magbigay-dangal,
Bagkus ay Siya pang kinukutyang tunay.

Ngunit mabuti rin at napupurihan,
Sa paghahari mo itong pamamayan,
Sapagkat nakuhang naipaaninaw,
Na dito na ang puno'y di na kailangan.

Kung pahirap lamang ang ipadadala
Ng nangagpupuno sa ami'y sukat na;
Ang hulog ng langit na bagyo't kolera,
Lindol, beriberi, madla pangbalisa.

Ang Bayan kong Lebak!

Ang Bayan kong Lebak!
-Jazzver Guiloreza



LEBAK, mahal na tinubuang lupa
Maraming LIKAS NA YAMAN, Diyos ang lumikha
Ang ating mga kapatid dito nakatira
Grupo at kultura ay iba-iba.
Mga kapatid na katutubo ating kilalanin:
Ang mga ILONGGO at ang matatapang na mandirigmang ILOKANO;
Ang mga KARAY-A, MANOBO, at Maguindanao,
CEBUANO, TEDURAY, at maraming iba pa.
Magkaiba ANG kaugalian natin at kaugalian nila
Kadalasa’y animo’y kakaiba
Pero tandaan natin ating kultura’y pinayayaman,
Pati ating ninuno’y inilalarawan paano nabuhay.
ANG BAYAN KUNG TAWAGIN AY LEBAK
Isipin natin sila at kumilos tayo para sa isang mithiin:
Mabuhay nang nagkakaisa at kumilos nang sama-sama
Para maging dakila ang BAYAN NG LEBAK
Walang imposible kung tayo’y magtutulungan.

KILOS BATANG LEBAKEÑO
PARA SA IKA UUNLAD NG ATING BAYANG LEBAK

TAO: INGATAN ANG MUNDO


TAO : INGATAN ANG MUNDO
-Farhana Usop

para sa lahat ng mga umaabuso
sa nilikhang mundo ng DIYOS sa tao
sana naman ingatan ninyo
ang yamang ito.

hindi ito basta'basta
sapagkat ginawa itong may pagmamahal
at pag'aaruga.

sana ingatan at huwag abusuhin
upang ito'y hindi magtampo sa atin.
at sa huli ,tayo ay hindi magsisisi.

mahal tayo ng DIYOS
kaya kasalanan natin ay tinubos
para makabawi
ingatan at alagaan ang MUNDONG ating tinatayuan.

October 23, 2011

Lebak: Paunlad nang Paunlad

LEBAK: PAUNLAD NANG PAUNLAD
ni: Mary Grace Canamaque

Lebak ngayo’y paunlad nang paunlad
Dahil kabuhayan ay lumalaganap
kayDaming pagbabago dito’y nagaganap
Kaya’t ang biyaya’y heto isang iglap.

Kasaganaan sa kinabukasan
Ngayon ay atin nang simulan.
Mararating ito kung magtutulungan.
Lebakeno tayo, magkaisa sa kaunlaran

Ang likas na yaman ay binabantayan,
Pinalalaganap at pinagyayaman.
Pagpuputol ng puno ay pinagbabawal;
Polusyong laganap ay hinahadlangan.

Larangang pang-agham at panteknolohiya,
Ang imbensyong Pinoy sa mundo’y kilala na,
At sa ating bayan ay makikita na,
Komputer, internet AT IBA PA

Kaya’t sa pagdating ng marami pang taon,
Sa mapa ng Pilipinas paningi’y ituon
Lebak na walang kinang noon,
Maunlad nang bayan sa habang panahon…

Hindi Birong Pagmamahal

HINDI BIRONG PAGMAMAHAL
-joed guiabar
Noong una tayong nagkita, ako sayo’y humanga,
Ngayon, alam mo para kang kuto sa buhay ko.
At kung ako’y iyong tatanungin kung bakit?
Dahil lagi kang nasa isip ko.

Sa tuwing naaalala ko ang mga araw na kasama ka,
Naiisip ko tuloy, kamera ka ba?
Dahil sa tuwing naiisip kita,ako’y napapangiti,
At dahil sa’yo akoy sumayang lagi.

Iniisip kita ngayon, sana di ka mapagod,
Dahil kanina ka pa tumatakbo sa isip ko.
Kasabay ang paghigop ng gatas,ngunit kape ka ba?
Di kasi ako makatulog kakaisip sa’yo.

Mula nang maalala ka,alam mo bang para kang tae?
Dahil ang tulad mo ay di ko kayang paglaruan
At alam ko na hindi ka rin tao gaya ko.
Dahil parang bagay tayo!

Sa araw na tayo’y muling magkita,
Payo ko lang, ika’y mag-iingat
Baka di ka na makauwi sa inyo
Dahil nandito ka na sa puso ko
Mahal ko…

Panaginip


PANAGINIP
ni Jessamie Verde

Ika’y aking panaginip
Sa tuwing ako’y naiidlip
Pangalan mo ang siyang sinasambit
Ng aking panaginip na di malirip...

Bakit nga ba ganito?,
Panaginip ko’y nakakalito
Hindi naman kita iniisip
Ngunit bakit ang nasa aking panaginip?

Sino ka ba talaga?
Mukha mo’y di ko makilala.
Ligaya at lungkot ang aking nararamdaman,
Sa tuwing ika’y aking mapanaginipan.

Ang panaginip ay gunu-guni lamang ng ating isipan,
na kung minsan tayo’y pinaglalaruan,
ng mga bagay-bagay na di natin maiintindihan.
Subalit ito’y makabuluhan sa buhay ng sangkatauhan.

Lebak

LEBAK
ni: Mary Ann Frias

Isang bayan tanging-tangi
Ang bayan kong Lebak,
Mayaman sa mga bukid,
Mga bundok at gubat;
Mayaman sa mga ilog,
Mga lawa’t dagat.
At mayaman din sa araw
Na maghapong sumisikat.

Ako ay lumaki sa bayan ng Lebak
Sa wikang sariling matamis at maganda.
Masama’t mabuti’y dito; ay walang iba.
Sa mga parangal ito’y Aba!

Lahat ng nilalang, ang aliw ay sayo
O! Bayan ng Lebak
Utang naming sa iyo ang ganda’t busilak

Bilanggong Pag-ibig

BILANGGONG PAG-IBIG
ni: Roniline Vidal

Bago pa ako mautal
Bago pa maumid ang aking dila
Ay sasabihin ko na sayong MAHAL NA MAHAL KITA
Malaon na rin kasing
Kinikimkim itong pag-ibig
Kaya’t ibubulalas ko na
Bago pa sumabog ang dibdib.

Heto nga’t aalpas na rin
Mula sa matinding takot at kaba
Hindi na kayang pigilin
Bilanggong pag-ibig ay lalaya rin.

Ang tanging hiling ko lang sa’yo
Ay bigyan mo ng pag-asa ito
Iyong diligin upang lumago
At mamunga diyan sa’yong puso.

Subalit kung ayaw mo
Ay maabuti pang kitilin ito.
Mabuti pang ang pag-ibig ko’y mananatiling bilanggo.

Ikaw ay biyaya ng Diyos Bayan ng Lebak sa tao.

Ang Alamat ng Cute

Ang Alamat ng Cute
ni Ka Joed Guiabar

Noong unang panahon,ang langit at lupa ay magkalapit pa.Sa isang kaharian sa kalawakan,ang Aerolandia,ay may grupo ng taong ang tawag ay Aeronotibo.Ang kaharian ay pinamumunuan ng isang makisig,matapang,maginoo ,at magandang lalaki na tumutugon sa pangalang Haring Jedo Oyaa Rabauig at kasama niya sa pamamahala ang kanyang katipan na si Reyna Renifna Gostufa.
Mahigit tatlong taon na ang nakalipas mula nang ikasal ang hari at reyna ngunit marami pa rin ang nagsasabi na ang kanilang pagpapakasal ay isang sumpa.Mangyari’y simula nang ikasal sila ay nawalan na ng kasaganaan ang kaharian.Dumating sa kanila ang maraming sakuna.Ang mga pananim ay panagpiyestahan ng mga peste at ang masaganang kabuhayan sa lawa ay nasira dahil sa tag-init.
Minsan sa pamamasyal ng mag-asawa sa kagubatan,may nagpakita sa kanilang isang diwata,si Mirazol.
“Naparito ako upang kayo’y tulungang maibalik ang ganda ng Aerolandia”,ang tugon ng diwata.
“Sa papanong paraan?,ang tanong ng hari.
“Ang makaaalis lamang sa sumpa ay kung magkakaroon kayo ng anak.”
Binigyan ng diwata si Haring Jedo ng tongkat ali.Masayang umuwi ang mag-asawa at sa kanilang pagdating,ginawa nila ang nararapat gamit ang bigay ng diwata,ang tongkat ali.
Nagkatotoo nga ang sinabi ng diwata.Agad na nagdalantao si Reyna Renifna at makalipas ang mahigit na walong buwan,nagsilang ng isang malusog na sanggol ang reyna. Bininyagan ang sanggol ng paring kataastaasan,si Paring Helbert Servancia.Prinsipe Unico Hijo ang ibinigay nilang pangalan dahil nag-iisang anak lamang nila ito.
Sabay paglaki ng sanggol ay unti-unti bumalik sa dating ganda at saya ang Aerolandia.Ang mga Aeronotibo ay muling gumanda ang buhay.Sa paglaki ng bata ay maraming nakapansin sa taglay nitong talino,gaing sa pag-awit at pagsayaw at higit sa lahat ay ang malaanghel nitong mukha.Sa ika-15 na kaarawan ni Unico Hijo,nagtipon ang lahat para sa isang salusalo.habang nagkakasiyahan,isang diwata na naman ang nagpakita,si Alma Mia.
“Tawagin ninyo siyang Qyouwth na ang ibig sabihin ay kadakilaan,kagitingan,at kagandahang lalaki.”Pagkasabi niyon ay naglaho na ang diwata.
Mula noon,iyon na ang naging tatak ni Prinsipe Unico Hijo sa mga Aeronotibo at sa paglipas ng matagal na panahon,nagbago ang baybay ng salita subalit nanatili ang kahulugan ng kataga, iyon ay papuri sa Prinsipe at maaari nang gamiting papuri sa bawat isa.
Naging tahimik at masaganang muli ang Aerolandia. Nagtulungan ang lahat ng mga Aeronotibo kasama na ang Hari at Reyna upang maibalik ang kayganda nilang kaharian,kahariang mamanahin ng cute na si Prinsipe Unico Hijo at ng susunod pang cute na henerasyon.

Ang Babaeng Unggoy

ANG BABAENG UNGGOY
ni KA Jennifer mendoza

Nakakita na ba kayo ng babaeng unggoy na naka-alahas?

Sa bayan ng Keytodac ay may ganitong unggoy. Siya ay pag-aari ng isang nakaka-angat na pamilya roon. Alagang-alaga nila ang unggoy na ito dahil dati raw ay isang napakagandang dilag ito. Ang dilag na ito ay nag-iisang anak na babae ng mag-asawang Delfin at Laura.
Ganito ang bulung-bulungan sa bayang ito.
Pinagkakaguluhan ng kanyang mga kapitbahay Madel dahil sa kanyang kagandahan. Kung ano ang ginanda-ganda niya, siya naming ipinanagit-pangit ng kangyang ugali. Ayaw na ayaw niyang nakakakita ng pangit sa paligid niya. Pinagtatabuyan niya ang mga ito. Hindi raw siya mag-aasawa kung hindi rin lang sa tulad niyang mayaman at guwapo.
Nabalitaan ito ni Simeon, ang masugid na nagmamahal kay Madel. “Paano ako iibigin ni Madel? Pangit na nga mahirap pa,”ang bulong sa sarili habang tinitibag ang punso na malapit sa kanyang bahay.
Lumitaw ang nuno sa punso.
“Hindi problema iyan. Matutulungan kita sa parteng iyan. Kaya lang tutulungan mo rin ako. Huwag mo naming tibagin ang aking bahay,” tugon ng nuno sa punso.
“Iyon lang pala eh. Anong tulong ang ibibigay mo sa akin?” tanong ni Simeon.
“Narito ang singsing. Putik man iyan pero nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan. Humiling ka ng kahit ano at ipakakaloob sa iyo.” Sagot ng nuno.
Dali-daling humiling si Simeon. Humiling siya ng sampung kahon ng ginto sa harap ni Madel. Nagulantang ang mga nakakita sa pangyayari maliban kay Madel.
“Hindipa rin kita magugustuhan. Pangit ka pa rin,” ang pagalit na sabi ni Madel.
Sumama ang loob ni Simeon. Nasaktan ang kanyang damdamin. Dali-dali niyang iniutos sa singsing na gaawing unggoy si Madel at lumisan si Simeon.
Hindi na maibalik si Madel sa dating anyo dahil wala na si Simeon. Hindi siya matagpuan kahit saang lugar ng Keytodac.



Isang Milyang Pangarap

Isang Milyang Pangarap
ni Marvin Ric Mendoza

Nag-ugat at sumibol dito sa aking isip
ang isang kumikinang na ginintuang panaginip
bagaman ang aking mga mata'y hindi naman nakapikit
kung kaya aking natatanaw ang kaylawak na langit.
At naroon sa itaas ang bituing maririkit
na parang pangarap at gunitang hindi mawawaglit.
Ang puso ko'y tumimo't ang bibig ko'y may naisambit,
"Ang ngayon nga ay mawawala at bukas ang papalit."

Gusto ko ngang makapagpatayo ng sariling bahay.
Nais kong makaahon sa napakahirap kong buhay.
Sana'y sa halip na bato'y ginto ang aking mahukay
at sana ri'y aking maani ang bunga ng tagumpay
upang kung saka-sakali mang ako ay mamamatay,
ang lahat ng aking pinangarap ay akin nang taglay.
Ang aking mga pangarap ay maari kong mahintay
ngunit makakamit din lang sa galaw ng aking kamay.

Kasaganaan,tagumpay at yama'y aking ambisyon,
maging tagapagtanggol at huwaran ng ating nasyon.
Ang lahat ng pangarap ko'y saan kaya paroroon
kung wala akong tagagabay at walang Panginoon.
Sa buhay ng aking kapwa'y buhay ko ang itutugon.
Mula sa pagkakadapa,ang bayan ko ay babangon
upang sa isang milyang pangarap naman ay lilingon
at upang ang sarili,huwag mabaon sa kahapon.

Sa paggising ni araw sa luklukan ng Silangan
ay simula rin ng paglalakbay na walang pagtahan
at tulad din ng aking pangarap na walang hangganan,
ang matatag na puso ay higit ko pang kailangan:
ngunit ang sarili'y kailangan ding pakaingatan
nang ang paghihirap at pagsisikap ay 'di masayang
upang kung si araw ma'y makarating na sa Kanluran,
tayo'y nakarating na rin sa ating patutunguhan....

Ang Tinig ng Laruan

Ang Tinig ng Laruan
ni Marvin Ric Mendoza


Bagay na hawak-hawak pa ni Nene kahapon,
anak-anakan daw niyang laging kalong-kalong.
Sa kanyang pagtulog,sa tabi niya’y naroon,
Pagsapit ng umaga’y hahanapin pagbangon.

Sa hapag-kainan mangyari’y sinusubuan,
sa pagligo ay sabay ding pinaliliguan,
pagkatapos nito’y una pang bibihisan
at saka muling pupunta sa pook-libangan.

Ang bagay na ito ay ang mumunting laruan
na sa pagkabata ay lubhang kinagiliwan,
ngunit sa paglaki ay dagling kinalimutan
na parang ang halaga ay pangkahapon lang.

Masdan mo ang laruan sa sulok ng tahanan
na kahapon ay ngumingiti at parang may buhay.
Siya’y lumuluha,tumatangis,namamanglaw.
Sa yakap ng kaibigan,siya’y nauuhaw.

Iba na’t di na hilig ni Nene ang laruan,
Pera na kasi ang higit niyang kailangan.
“Kung araw at gabi ako ay maglalaro lang,
bukas ng umaga’y kakalam ang aking tiyan”

“Kahit ilang oras lang na tayo’y maglalaro,
wala na rin kasi sa aki’y nagpapaligo.
Dati,sa akin, yakap mo ang sumusuyo
ngunit ngayo’y alikabok sa’ki’y dumarapo.

Kapag ang laruan ay makapagsasalita,
Ang sasabihin n’ya ay “maglaro tayo bata”.
Kapag ang laruan ay maaaring lumuha,
sa kaydaming buhay,kalungkutan ang babaha.

“Dati ay may ningning pa ang aking mga mata.
Ang aking mga pisngi’y lubhang napakaganda.
Sa silong ng langit tayo ay laging masaya
bagaman ang lahat niyon ay hiram lang pala.

Kaligayahan mong ituring na ako’y sa’yo
at ligaya ko rin naming ako’y iyong-iyo.
Dati’y kaydaming batang sa’yo’y naninibugho
dahil sa iyong laruan,laruan mong si ako.

Ngayong ika’y malaki na’t hilig mo’y iba na,
‘wag mo akong pabayaang laging mag-isa.
Hiling ko,kung ang silbi ko sa iyo’y tapos na,
sa munting bata naman, ako ay ipamana….”

(ang tulang ito ay lahok sa SARANGGOLA BLOG AWARDS YEAR 3)

October 13, 2011

Mga Kawikaan

Mga Kawikaan(Chinese Proverbs) na tinipon sa Ingles ni Gregorio Ching at isinalin sa Filipino ni Marvin Ric Mendoza

KARANASAN

"Ang musika ay pag-usapan mo sa harap lamang ng isang musikero."
"Ang taong matangkad ay kailangang sumuot ng may kataasan ding kasuotan."
"Mas mabuti pa ang malapit na kapitbahay kaysa sa malayong kamag-anak."
"Ang sinumang tumitingin sa balon upang makita ang langit ay makakakita ngunit hindi
sapat."
"Ang pintuan ng paging mapagbigay ay mahirap buksan at mahirap ding sarhan."
"Walang karayom na ang magkabilang dulo ay matulis."
"Ang nadinig ay hindi papantay sa nakita."


PAMILYA

"Sa ilalim ng langit ay walang maling magulang."
"Ang palayawin ang anak ay gawang pagpatay din."
"Ang magkapatid ay tulad ng paa at kamay."


SALITA
"Kung saan ka man makarating,tiyakin mong ang salita doon ay alam mong gamitin."
"Ang pagsasalita ng mabuti ay hindi tiyak na mabuti ngunit ang paggawa ng mabuti ay tiyak na mabuti."
"Ang salita ay boses ng puso at isip."
"Ang magaling magsalita kailanman ay hindi magiging kapantay ng magaling makinig."
"Kung gusto mong malaman ang iniisip ng isang tao,makinig ka sa kanyang sinasabi."
"Ang mapapait na salit ay gamot,ang matatamis ay nagdadala ng sakit."
"Ang pagsasalita ay katulad ng pagkain,kapag marami ay mahirap tunawin."
"mas madaling magbigay ng masamang salita kaysa magbigay ng mabuti."

September 13, 2011

tulang tagalog mula sa mindanao: tula

Sa lahat po ng nais makibahagi sa panulaan at maging panitikan ng mindanao..,mga tula,kwentong pambata,alamat,pabula,sanaysay,at kung ano-ano pa, ipadala niyo po sa (mendozamarvinric@yahoo.com) ang aking email ad.. maraming salamat po...

September 10, 2011

WIKANG FILIPINO


WIKANG FILIPINO
ni Marvin Ric Mendoza

Ito ay punyal na ubod ng talim
Punyal na kumikinang sa gabing madilim
Ang puluhan nito ay utak na magaling
At ang talas nito’y kakaiba kung limiin.

Sa nakaraa’t sa ngayo’y patuloy na hinahasa
Na ang gamit ay kaydaming mga dila
Ang punyal na kaytagal nang ginawang pananda
Ay may bakas na rin ng kalawang at dagta.

Ang punyal na ito ay ang wikang Filipino
Na patuloy na umuunlad sa pag-ikot ng mundo
Ang kapara nito’y matigas na bato
Na ‘pag di ipukol ay di malaman kung ano.

Mula sa isang bibig ay kumalat nang kumalat
Mangyari’y dala-dala ng bapor na laging naglalayag
Ang wikang Filipino’y katulad ng kamandag ng ahas
Na sa isang sarili ay nagpapalakas.

Ang wika sa malayo ay kakaiba sa narito
Iba ang sa kanya, iba rin ang sa iyo
At dahil tayo ay kapwa Pilipino
Yakapin natin ang wikang Filipino.

Ang wikang Filipino ay ilaw ng Pilipinas
Liwanag sa pagtahak sa tuwid na landas
Gamitin natin at gawing lakas
At gawin ding pananggol sa darating na bukas.

Madaling magkaisa kung may pagkakaunawaan
Madaling makakita kung may liwanag na natatanaw
Madaling mananggol kung may lakas na taglay.
Sa lahat ng ito’y wikang Filipino ang daan.

Sa bukas na darating ay ating mamamalas
Ang dating ilaw ngunit bago nang landas
Maaaring paabante, maaaring paatras
Maaaring pababa, maaaring pataas.

Ang wikang Filipino’y magsisilbing gabay
Sa kayraming taong sa Pilipinas namamahay..
Sa tuwid na landas ay walang mawawalay 
Kung tayo’y hawak-kamay sa pag-abot sa tagumpay…

KARALITAAN


Karalitaan
ni: Marvin ric Mendoza

Sa bukid na tigang ay naroo't nag-iisip
ang isang taong sa hirap lamang nagtitiis.
Kung may katiting na gintong sana'y naisukbit,
ang lungkot na nadama'y sa saya ipagpalit.

Ang kahapo'y binalikang puno ng pangarap,
ang katiwasayan ay nais sanang malasap;
Ngunit dahil doon sa maling hagdan umakyat,
sa halip na riwasa'y sa dalita naharap.

Ang buhay na natamo'y lubhang pinagsisihan,
'pagkat bagabag sa puso'y laging nananahan.
Naisip pa man ding ng langit ay niyurakan
at pilit na pinahalik doon sa putikan.

Ang buhay nga sa mundo ay tunay na baligho,
parang gatas na matamis na naging maanggo.
Ubod-bait man, dalita yaong natatamo,
ubod-tibay pa ngang pisi, dagling napupugto.

Ang dumi sa mundong ngayo'y naglipana,
isipin man at hindi ay Diyos din ang may gawa,
Ang mga magnanakaw at sinungaling pa nga
ay 'di maitatatwang may silbi rin sa madla.

Ang dungis sa mukhang makikita lang sa dukha
ay tunay ngang may silbi at merong nagagawa.
Isipin mo kung wala kang dungis na makikita,
ang mga mariwasa'y tulad sa maralita.

Maraming nagsasabing ang Diyos daw ay maraya
'pagkat nakagapang lamang sila sa dalita
At ang mga katiting na yamang inaruga,
sa isang kisap-mata ay biglang nawawala.

Marami-rami na rin ang pating sa katihan
at babaeng marumi ang dangal at katawan.
Sa pag-ikot ng mundo 'di dapat kalimutan
na ang mga sanhi't dulot niyo'y karalitaan.

Karalitaang kung isipi'y krus na mabigat
ang isang simbolong hadlang sa mga pangarap.
Ang ibang maralita'y sa langit umaakyat
at ang ibang mariwasa ay sa lupa bumabagsak.

Ang langit sa mariwasa'y lubhang mahalaga,
kawangis ay ginto at perlas ng maharlika.
Ang mahirap naman, sa anuma'y kuntento na
basta't mabuhay lang na marangal at masaya.

Karalitaa'y pagsubok sa kaydaming tao,
para sa mayayama'y papasanin ng husto,
Sa mahihirap nama'y pampatatag ng puso
na mula sa kahapo't sa bukas patutungo.