seal

seal

October 23, 2011

Ang Babaeng Unggoy

ANG BABAENG UNGGOY
ni KA Jennifer mendoza

Nakakita na ba kayo ng babaeng unggoy na naka-alahas?

Sa bayan ng Keytodac ay may ganitong unggoy. Siya ay pag-aari ng isang nakaka-angat na pamilya roon. Alagang-alaga nila ang unggoy na ito dahil dati raw ay isang napakagandang dilag ito. Ang dilag na ito ay nag-iisang anak na babae ng mag-asawang Delfin at Laura.
Ganito ang bulung-bulungan sa bayang ito.
Pinagkakaguluhan ng kanyang mga kapitbahay Madel dahil sa kanyang kagandahan. Kung ano ang ginanda-ganda niya, siya naming ipinanagit-pangit ng kangyang ugali. Ayaw na ayaw niyang nakakakita ng pangit sa paligid niya. Pinagtatabuyan niya ang mga ito. Hindi raw siya mag-aasawa kung hindi rin lang sa tulad niyang mayaman at guwapo.
Nabalitaan ito ni Simeon, ang masugid na nagmamahal kay Madel. “Paano ako iibigin ni Madel? Pangit na nga mahirap pa,”ang bulong sa sarili habang tinitibag ang punso na malapit sa kanyang bahay.
Lumitaw ang nuno sa punso.
“Hindi problema iyan. Matutulungan kita sa parteng iyan. Kaya lang tutulungan mo rin ako. Huwag mo naming tibagin ang aking bahay,” tugon ng nuno sa punso.
“Iyon lang pala eh. Anong tulong ang ibibigay mo sa akin?” tanong ni Simeon.
“Narito ang singsing. Putik man iyan pero nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan. Humiling ka ng kahit ano at ipakakaloob sa iyo.” Sagot ng nuno.
Dali-daling humiling si Simeon. Humiling siya ng sampung kahon ng ginto sa harap ni Madel. Nagulantang ang mga nakakita sa pangyayari maliban kay Madel.
“Hindipa rin kita magugustuhan. Pangit ka pa rin,” ang pagalit na sabi ni Madel.
Sumama ang loob ni Simeon. Nasaktan ang kanyang damdamin. Dali-dali niyang iniutos sa singsing na gaawing unggoy si Madel at lumisan si Simeon.
Hindi na maibalik si Madel sa dating anyo dahil wala na si Simeon. Hindi siya matagpuan kahit saang lugar ng Keytodac.



No comments:

Post a Comment