Mga Kawikaan(Chinese Proverbs) na tinipon sa Ingles ni Gregorio Ching at isinalin sa Filipino ni Marvin Ric Mendoza
KARANASAN
"Ang musika ay pag-usapan mo sa harap lamang ng isang musikero."
"Ang taong matangkad ay kailangang sumuot ng may kataasan ding kasuotan."
"Mas mabuti pa ang malapit na kapitbahay kaysa sa malayong kamag-anak."
"Ang sinumang tumitingin sa balon upang makita ang langit ay makakakita ngunit hindi
sapat."
"Ang pintuan ng paging mapagbigay ay mahirap buksan at mahirap ding sarhan."
"Walang karayom na ang magkabilang dulo ay matulis."
"Ang nadinig ay hindi papantay sa nakita."
PAMILYA
"Sa ilalim ng langit ay walang maling magulang."
"Ang palayawin ang anak ay gawang pagpatay din."
"Ang magkapatid ay tulad ng paa at kamay."
SALITA
"Kung saan ka man makarating,tiyakin mong ang salita doon ay alam mong gamitin."
"Ang pagsasalita ng mabuti ay hindi tiyak na mabuti ngunit ang paggawa ng mabuti ay tiyak na mabuti."
"Ang salita ay boses ng puso at isip."
"Ang magaling magsalita kailanman ay hindi magiging kapantay ng magaling makinig."
"Kung gusto mong malaman ang iniisip ng isang tao,makinig ka sa kanyang sinasabi."
"Ang mapapait na salit ay gamot,ang matatamis ay nagdadala ng sakit."
"Ang pagsasalita ay katulad ng pagkain,kapag marami ay mahirap tunawin."
"mas madaling magbigay ng masamang salita kaysa magbigay ng mabuti."
kuya, pwede paki hiwalay ng post every contribution? marumi kasi tingnan kung maraming articles sa isang post
ReplyDeleteako nlang naghiwalay...^^ tapos, sana maggawa nlang sariling account yung magcontribute para maraming members
ReplyDelete