Legends, Myths, Epics, Poems, Short stories, etc. basta orig galing ng Lebak (Pwedeng mag-contribute kahit sino, basta Lebakenyo)
seal
October 25, 2011
Dito sa Lebak
DITO SA LEBAK
by Simon Go Fresco III
Nakatunganga,
Nakatulala,
Nangangalumata,
May tamang hinala.
Nagmumuni-muni,
Wala naman sa sarili,
Tumatawa, tumitili,
Iiyak pa nang kaunti.
Nasa sulok,
Nagmumukmok,
Baril nakasuksok,
Maya-maya’y mag-aamok.
Nasirang bait,
Pagkatao ang kapalit,
Saka pumipilipit
Alipin ng lupit.
Hindi makatulog,
Walang antok,
Pagkat lugmok
Napakarupok.
Ginawang sandata
Ang bisyo at droga,
Walang pagsala
Buhay nasira.
Kawawa…
Nagpakasira…
Hindi pinagana…
Ang puso at diwa!
Dito sa Lebak?
Lahat ay wala.
Walang bisyo,walang droga,
Walang pagsala,walang buhay na nasisira.
Labels:
Agnes-Fil-Proj,
Poems
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment