seal

seal

October 23, 2011

Ang Alamat ng Cute

Ang Alamat ng Cute
ni Ka Joed Guiabar

Noong unang panahon,ang langit at lupa ay magkalapit pa.Sa isang kaharian sa kalawakan,ang Aerolandia,ay may grupo ng taong ang tawag ay Aeronotibo.Ang kaharian ay pinamumunuan ng isang makisig,matapang,maginoo ,at magandang lalaki na tumutugon sa pangalang Haring Jedo Oyaa Rabauig at kasama niya sa pamamahala ang kanyang katipan na si Reyna Renifna Gostufa.
Mahigit tatlong taon na ang nakalipas mula nang ikasal ang hari at reyna ngunit marami pa rin ang nagsasabi na ang kanilang pagpapakasal ay isang sumpa.Mangyari’y simula nang ikasal sila ay nawalan na ng kasaganaan ang kaharian.Dumating sa kanila ang maraming sakuna.Ang mga pananim ay panagpiyestahan ng mga peste at ang masaganang kabuhayan sa lawa ay nasira dahil sa tag-init.
Minsan sa pamamasyal ng mag-asawa sa kagubatan,may nagpakita sa kanilang isang diwata,si Mirazol.
“Naparito ako upang kayo’y tulungang maibalik ang ganda ng Aerolandia”,ang tugon ng diwata.
“Sa papanong paraan?,ang tanong ng hari.
“Ang makaaalis lamang sa sumpa ay kung magkakaroon kayo ng anak.”
Binigyan ng diwata si Haring Jedo ng tongkat ali.Masayang umuwi ang mag-asawa at sa kanilang pagdating,ginawa nila ang nararapat gamit ang bigay ng diwata,ang tongkat ali.
Nagkatotoo nga ang sinabi ng diwata.Agad na nagdalantao si Reyna Renifna at makalipas ang mahigit na walong buwan,nagsilang ng isang malusog na sanggol ang reyna. Bininyagan ang sanggol ng paring kataastaasan,si Paring Helbert Servancia.Prinsipe Unico Hijo ang ibinigay nilang pangalan dahil nag-iisang anak lamang nila ito.
Sabay paglaki ng sanggol ay unti-unti bumalik sa dating ganda at saya ang Aerolandia.Ang mga Aeronotibo ay muling gumanda ang buhay.Sa paglaki ng bata ay maraming nakapansin sa taglay nitong talino,gaing sa pag-awit at pagsayaw at higit sa lahat ay ang malaanghel nitong mukha.Sa ika-15 na kaarawan ni Unico Hijo,nagtipon ang lahat para sa isang salusalo.habang nagkakasiyahan,isang diwata na naman ang nagpakita,si Alma Mia.
“Tawagin ninyo siyang Qyouwth na ang ibig sabihin ay kadakilaan,kagitingan,at kagandahang lalaki.”Pagkasabi niyon ay naglaho na ang diwata.
Mula noon,iyon na ang naging tatak ni Prinsipe Unico Hijo sa mga Aeronotibo at sa paglipas ng matagal na panahon,nagbago ang baybay ng salita subalit nanatili ang kahulugan ng kataga, iyon ay papuri sa Prinsipe at maaari nang gamiting papuri sa bawat isa.
Naging tahimik at masaganang muli ang Aerolandia. Nagtulungan ang lahat ng mga Aeronotibo kasama na ang Hari at Reyna upang maibalik ang kayganda nilang kaharian,kahariang mamanahin ng cute na si Prinsipe Unico Hijo at ng susunod pang cute na henerasyon.

No comments:

Post a Comment